October 06, 2007

LakbaySining - A. M. Datinguinoo #1



fresh in college, i was one of those who enter university thirsty for new ideas, new insights, new points of view. as i was easily attracted by poetry and stuff, i got caught by this one which i saw in an old book of poems by revolutionaries which mirrored all their hopes and dreams and the pinings of their soul. the romantic in me couldn 't help but put to heart the lines in this poem by Amor D. i memorized it and would recite it out loud while studying. i loved it so much, that when i was already working my housemates in Lopez would laugh when they hear me recite it again. To the author, i tip my hat off to you... you've touched my soul.


Pigilan Mo Akong Mangarap, Mahal
ni Amor M. Datinguinoo


Pigilan mo akong mangarap,mahal

Sapagkat ang pag-ibig natin

ay di tulad ng sine ni Sharon Cuneta.

Gupitin mo ang pakpak

Ng aking balintataw,

Sapagkat ang pag-ibig natin

ay walang siguradong

"And they lived happily ever after" sa ending.

Ikadena mo ang paglilimayon
Ng aking guniguni,

Sapagkat ang pag-ibig natin

ay hindi nabiyayaan ng katiyakan

Ng paglubog at pagsikat ng araw.


Sa halip,

Turuan mo akong ituring

Na dream come true

Ang bawat araw na kapiling kita.

Sabihin mo sa aking
Langit na sa lupa
Ang nasa tabi kita ngayon,
ang nahahawakan ko ang kamay mo,

ang nakakasabay kita sa pagkain,
ang nakakasandig ako sa iyong mga balikat ang nakakaagapay kita sa pag-aaral ng lipunan at buhay
ang naririnig ko ang boses mo ,
ang nakakaambos ako sa iyong mga iniisip ,
ang napagmamasdan ko ang pagbuka at pagsara ng iyong mga labing
humahabi ng mga pangarap na
kapwa wala tayong karapatang angkinin
(ngunit walang pakundangan mo pa ring pinapangahasan!)

sapagkat Sinta,

Tayong dalawa

ay may kahati sa ating love affair:

Ang kapwa mababangis na Rebolusyon
Sa loob at labas
Ng ikaw at ako.

Kaya't pigilan mo akong mangarap, Mahal.
Sapagkat hindi natin tiyak
Kung bukas,
Tutubuan pa ng bigote ang buwan.


(... once again the words have been dug up thru the net and comes from the Philippine Collegian 1988 Literary Folio.)

No comments: