April 22, 2008

LakbaySining - R. Firmeza #1

have been feeling a little sad lately..


can't quite put my finger on it. heavy hearted again, maybe...


sharing another prose, this time written by a mass leader in the Cagayan Valley area, Ruth Firmeza. storms have become a part of life in our part of the world. well, not as often as they do visit in my friend glo's province, bicol. anyway, i do believe there's more to storms than normally heard of or talked about. and isn't it that storms represent our struggles in this life?

Pagkatapos ng Unos

Pagkatapos ng unos, kay liwanag ng paligid
ang nakalukob na dilim, sandaling napalis
matigas na lupa'y lumambot sa. tubig
mga kahoy na basa'y madaling maparikit
Sa init ng tag-araw, lamig ang humalili
ang sikat ng araw ay laging nakakubli
ulan ang dala ng ulap na laging nakatabi
sa tuktok niyong bundok na may hiwagang iwi-iwi
Ulan, kawangis mo ang luha ng hinanakit
sa mga buhay na kay aagang naibuwis
sa mga kasamang di matagpuan at nangapipiit
sa kanilang mga di na daranas pa ng dusa at pasakit
Pagkatapos ng bagyo, dugo ay titigas
sa lupa, sa kariton, sa sementong nakalatag
mapupunasan ng tubig ang liku-likong landas
durog na laman at buto'y hihimlay na sa wakas
Ka Romeo, Ka Grey, Ka Dennis
kaylakas ng unos nang kayo ay nasawi
sa lakas ng hangin waring mga dahong tinangay
ng ipu-ipo't buhawi
Humimlay kayo at ang awit ninyo'y nasa amin lagi
ang alab nito'y di magbabawa kahit kaunti
at ang mga basang daho'y magbabagang muli
tulad ng mata naming basa sa luha at pighati.

No comments: