it's the 3rd week of the year and here i am clicking away at my keyboard. wala na akong time maggawa sa bahay ngayon. sinosolo ng utol ko ang aking laptop. naku, nawiwiwli sa multiply at ngayon niya lang nadiscover. sabik din siguro makibalita sa mga kaibigan niya at sa aming pamangkin. Nicole has her own multiply site kasi, at nakakatuwa ang kanyang mga poems.
iba talaga dito. lagi arabo ang salitang naririnig ko sa opisina. palibhasa mas komportable silang magsalita sa linggwaheng kinagisnan nila. kahit magkakaiba sila ng nationality, mga arabo naman sila kaya ito ang common sa kanilang lahat na wika.
hanggang ngayon, kahit magli-limang buwan na ako dito, naninibago pa rin ako sa mga mukha ng mga ito pag nagdadatingan sila. kungsabagay, nagkakakumpol-kumpol lang sila dito pag andito si amo galing saudi. nakupo, napaka-busy bigla dito sa opisina pag nagkataon.
nakaka-OP nga lang kasi di ko sila maintindihan. pakiramdam ko nga, hindi kaya sinasadya nilang magsalita sa arabo para di sila maintindihan ng mga banyaga? parang tayo din kapag nagkasama-sama sa isang lugar at may mga pinag-uusapang ayaw marinig ng ibang lahi, automatic ang pagsasalita natin sa sariling wika.
parang dito sa blog ko. pag may gusto akong isulat na wala akong pakialam kung di naiintindihan ng iba, dire-diretso ang pagsusulat ko sa wikang atin. ito naman ay... sa atin-atin lang.
No comments:
Post a Comment