naku, nagtatago na naman itong hilaw na puting ito. ayaw kumausap sa mga naniningil sa kanya. ang hirap naman ng buhay ng isang accountant. habulin- as in, habulin ng mga pinagkakautangan niya. heto at kakatawaglang ng isang naniningil sa kanya, pero dedma. ang pinapasagot sa akin ay wala daw siya. mantakin mo iyon! pinaghihirapan mong pagtrabahuhan ang sweldo mo, pero ang gagawin lang ay ang makipag-hide and seek sa iyo pagdating sa singilan at bayaran.
ganun kayang talaga kapag accountant ka? nagtatago ka? ang lam ko, mataas na propesyon ang accountancy. at napakamahal ng pirma ng mga ito. maggaling sila sa pagbabalanse. kaya nilang pagtugma-tugmain ang mga nuemro at makagawa ng monthly accounting kahit anogn gulo ng records. e paano, matinik sa numero e.
speaking of pagbabalanse ng numero, heto end of the month at maloloka na ako. paano, wala na akong mababalanseng numero sa pitaka ko. puro barya-barya na lang nasa bulsa ko. binilang ko nga e, makasasapat para pampamasahe sa bus papasok ng trabaho. buti na lang, barya ang ibinabayad sa bus. ang nakakalungkot pa, ayun, nag-exit ang kapatid ko. kinailangan magpadala ng pangkain at bayad sa tirahan doon sa iran. pinabaonan ko na lang ng madaming de-lata, noodles at mga biskwit para makatipid-tipid naman sa gastusin. paano na kaya ang mga susunod na araw?
No comments:
Post a Comment