We've been having intermittent rains for three days now. Imagine, sinusundan talaga ako ng ulan. Sabi pa naman nila, pag tuloy-tuloy ang ulan ng kahit apat na oras lang, bumabaha na sa Dubai. Paano kasi, walang proper drainage dahil di naman kailangang pangambahan nila ito. Sinong mag-e-expect ng baha dito sa Middle East, aber?
Ang sarap mag-stay sa bahay tapos nasa bed lang buong maghapon (especially since Eid- three days na naman holiday after this weekend). Tapos nood ng TV o di kaya'y DVD. Miss ko ang mga DVD marathons ko nun sa Pinas pag long weekends o bakasyon. Paano ba naman e madami akong nahihiraman ng mga full season/ complete episodes ng mga favorite kong koreanovela.
Andiyan ang Winter Sonata, Only You, Jumong, Love Story in Harvard, Legend, Lovers in Paris, at Spring Waltz (gosh! kilig talaga ako kay Daniel Henney!). And let's not forget my own set of All About Eve and Jewel in the Palace (na nasa nanay ko na ngayon).
May napanood din pala akong Chinese TV series na nagustuhan ko. Iyong The Warriors na pamilya- forgot na apelyido nila. ",) Hanep 'no? Addictus nga talaga ako sa mga telenovela na 'yan. Although pili lang naman, pag medyo nasimulan ko at ok naman ang kwento. Madaming pinalabas na di ko masyado feel tulad ng Green (something), Princess Hours, My Sassy Girl, Full House, MG, etc. Di ko na-trip-an e. Sorry ha sa mga fans ng mga iyon. peace tayo!
No comments:
Post a Comment