haynaku, ang hirap talaga intindihin ng mga Arabo. parang kinakain nila ang kanilang salita, with emphasis on letters like 'h' and 'l', na para bang nabubuntotan ng letrang 'a'. at parang bisaya ang bigkas nila sa mga vowels. gaya na lang ng pangalan ko, halimbawa. may isa na ang tawag sa akin ay 'Ebigel'. iyong isa naman ay 'Ebijail'. heto pa isa: 'Abigola'.
anak ng.... tama na sana bigkas nung unang vowel, nagkabuntot naman ng 'a'. e minsan pa nga wika sa akin nung isang nag-interview sa akin dati, "Your name, very hard to speak." Lintsak!
e ang ganda kaya ng pangalan ko. hehe... walang halong yabang 'yon ha. ",)
sa totoo lang, proud naman talaga ako sa ibinigay sa aking pangalan ng mga magulang ko. Abigail means 'father's joy'. and i want to be just that, a person who will be the joy of not only my daddy but most especially our dear Father in heaven.
kayo ba alam niyo ang ibig sabihin ng pangalan niyo?
No comments:
Post a Comment