nothing much to blog right now.
here's another Jose F. Lacaba work. i'm afraid i haven't been doing justice to the man by not putting in a word or two about him. JFLacaba is well-known in the world of filipino literature, having penned famous works as: Orapronobis, Sister Stella L, Kapit sa Patalim, Days of Disquiet, Nights of Rage, Sa Daigdig ng Kontradiksyon, Ang mga Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz, among others. he was one of the first quarter storm's journalists who sought refuge in the arts to regain his voice (as UST's The Varsitarian described him, a journalist-turned underground writer). a screenwriter/poet/ journalist/translator and self-proclaimed college dropout, he is now vice-chair of MTRCB and writes for Pinoy Times. below poem is already a translated (tagalized) version of the original, done by Alcidez Iznaga. this speaks of the plight of a Cuban revolutionary.
Kabiyak at Kasama
Kasama, ikaw na aking kabiyak,
higit sa iyo, ang minamahal ko lamang
ay ang Rebolusyon;
nagpapagod ka, nababalisa
nauunawaan ko,
dahil sa mga bata,
dahil sa mga baryo ng karton,
lata at basura
dahil sa mga maysakit at nangamamatay
Naririto ka ngayon, malapit
sa mga mata kong nagmamasid;
bukas-makalawa, ika’y nasa Santiagoo
sa Pinar del Rio
o inaabot ng madaling-araw
sa pagtutuwid ng tiwali
at pagwawaksi ng bulok,
sa pag-alo sa mga api.
Ika’y hardinera, karpintero;
Tulad mo’y hangin, nagpupunla’t sumusulong…
Hindi ka maigugupo
ng Playa Giron
ni ng mga dayuhan at taksil,
hindi ka matitinag ng paninikil
ang buong buhay mo’y nakalaan
sa pagbabago ng mga bagay-bagay,
sa bagong kaayusan.
4 comments:
nice!
sabi nila sa cuba, wala raw homeless... totoo kaya yon? dito sa amerika, andami kasi kaya di ako makapaniwala...
musta ka na?
homeless? hmm, depende siguro kung ano ang pakahulugan nito. maaari kasing unbound and free ang isip at diwa kaya walang pangangailangang may kukubliang 'home' kumbaga. basta't may panig na maituturing na mapagtatahanan. pero kung pisikal na pangangailangan, sa tingin ko baka meron din, pero meron kasing kumukupkop. nabasa kong di naman ganun kaunlad ang bayang ito. at hindi lahat ng tao mayaman. may mangingisda at naghahanapbuhay sa base, o di kaya'y sa mga mararangyang resorts. di ko alam, kauban.
kumusta 'kamo? heto, sagad ang pagod ng katawan sa shifting sched dito sa trabaho. akala ko, habang tumatagal sa work, aalwan din buhay, wala palang kasiguruhan iyon. ",)
salamat sa pagdalaw dito sa blog ko. musta sa inyo ni kuya ahmes.
Naghahanap ako ng impormasyon tungkol kay Alcidez Iznaga, at itong blog mo ang nakita ko.
J.F. Lacaba #2 ito. Nang i-click ko ang tag mong "poetry" ay may lumabas pang J.F. Lacaba #3. Pero walang lumabas na #1. Ano iyong #1?
Huwag kang mag-alala. Hindi kita sisingilin o hahabulin sa pagrereprint ng mga akda ko nang walang permission. Pero kung me balak ka pang maglabas ng #4, mas maganda na nga siguro na humingi ka ng permission para i-eemail ko na lang sa iyo ang text at hindi ka na mahihirapang mag-type.
Pete Lacaba po.
sir, naku im so sorry po kung hindi ko po naihingi ng pahintulot ang pag-post ng iyong mga tula. masyado talaga akong humahanga sa iyong mga akda at sobra excited dito. patawad po.
the first poem i posted was your tagubilin at habilin in my Philippine Election 2007 post last may 12 '07.
hayaan niyo po, hihingi na po ako ng pahintulot ninyo. and thanks so much po. it's such an honor po being able to correspond with you.
Post a Comment