May 12, 2007

Philippine Election 2007

I swear I had more fun when I was a kid! Those were the days when I'd just run around and goof around with the teeniest bit concern about the world and its politics. Now I'm weighing lots of stuff on my mind and pondering heavily on the senatoriables and local leaders running for office this term. And it's not like we've got a lot of choices before us, really.

In my not so many years of witnessing leaders rise, then fall, and others grapple at straws to grab or remain in the seat of power, I reckon I have seen only a handful worthy of being called respectable leaders. There have been leaders who promised and there were those who delivered. There were leaders who spoke lengthy speeches and there were those who performed. There were leaders who planned and there were those who implemented. There were leaders who put ethical values where their mouths were and there were those who stood their ground and lived by principle and integrity. And with the outpouring of campaign propaganda in the streets and media boards, few could only be seen as potentially appealing for my taste. Candidates have travelled the thousands of miles spanning tip-to-tip of the country but only a few have just about shown promise for the tasks at hand. Oh no,no,no... Much to my dismay, I fear popularity might just sway votes around.

However lowly the seat or small the role to be filled, I will be voting for leaders who will be my voice in the senate, my casting hand in the congressional house and my visionary for the future. One who will fight for my and my fellow countrymen's right to human life. I don't want any more empty promises, inaction and stale breaths.

With merely one and a half day before casting my ballot, I raise all hope to whoever will get elected by the people. May you all be true champions and servants of the people who placed you in your seat.


=========================


Meantime, might as well quote a poem by Jose F. Lacaba which was interpreted by Armida Siguion-Reyna last month at Korina Sanchez's anchor in ANC and later aired at their Tambalang Korina at Ted Failon AM radio show.


LakbaySining - J.F.Lacaba #1

Tagubilin at Habilin

mabuhay ka kaibigan!
yan ang una't huli kong tagubilin at habilin: mabuhay ka!

sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo
mayaman ako sa payo
maghugas ka ng kamay bago kumain
maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain
pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lamang makaiwas sa sisi
huwag ka maghuhugas ng kamay kung may inaapi
na kaya mong tulungan

paupuin mo sa bus ang mga matatanda at ang mga may kalong na sanggol
magpasalamat ka sa nagmamagandang loob
matuto sa karanasan ng matatanda pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma.

huwag piliting matulog kung ayaw dalawin ng antok.
huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga walang utang na loob
huwag makipagtalo sa bobo, at baka ka magpagkamalang bobo
huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangan mong sumigaw

huwag kang manalig sa mga bulung-bulungan
huwag papatay-patay sa ilalam ng pabitin
huwag kang tutulog-tulog sa pansitan

umawit ka kung nag-iisa ka sa banyo
umawit ka sa piling ng barkada
umawit ka kung nalulungkot
umawit ka kung masaya

ingat lang,

huwag kang aawit ng 'my way' sa videoke bar, baka ka mabaril
huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan
dahan-dahan sa matatarik na landas
dahan-dahan sa malulubak na lugar,

higit sa lahat, inuulit ko: Mabuhay ka!

maraming bagay sa mundo na nakakadismaya
mabuhay ka
maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas
mabuhay ka

sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan,
kung minsan ay gusto mo nang mamatay
gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig
gusto mong magbigti kung napakabigat ng pasanin
gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak

huwag kang papatalo. huwag kang susuko

narinig mo ang sinabi ng awitin
"gising at magbangon sa pagkagupiling,
sa pagkakatulog na lubhang mahimbing"
gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig
bumangon ka kung nananawagan ang kapus-palad

ang sabi ng iba: "ang matapang ay walang takot lumaban"
ang sabi ko naman: 'ang tunay na matapang ay lumalaban kahit natatakot'

lumaban ka kung inginungudngod ang nguso mo sa putik
bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka
buong tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo

kahit hindi ka siguradong agad-agad kang mananalo

mabuhay ka kaibigan, mabuhay ka

No comments: