May 25, 2007

LakbaySining- J.F. Lacaba #3

It's been raining heavily as of late. Summer's over here in our part of the globe. And to us here at the lab, signals the beginning of intermittent power interruption as our power source continually trips as electricity sparks start flying (as in, literally) when rain drops start kissing the cables. Whoa, whenever would engineering be able to solve this problem, i can only wonder.


I'm back here at the lab listening to Sitti's soulful voice while the rains keep pouring outside. Might as well post another Pete Lacaba work. This time a translation of a well-known poem describing how to attain one's desire for happiness adding a few advise on all things most essential in this life. I memorized this way back in high school and thought the author was anonymous. But now when I surfed the web i found out that this was actually penned by Max Ehrmann. The poem is Desiderata.


DESIDERATA (“Minithi” in Filipino)
Lumakad nang mahinahon
Sa gitna ng ingay at pagkukumahog, at alalahanin ang kapayapaang maaaring makuha sa katahimikan.
Walang isinusuko hanggat maaari, pakitunguhan nang mabuti ang lahat ng tao.
Sabihin ang iyong katotohanan nang tahimik at malinaw; at makinig sa iba, kahit sa nakayayamot at mangmang; sila man ay may kasaysayan.
Iwasan ang mga taong mabunganga at palaaway, yumabang ka o maghinanakit; sapagkat laging may lilitaw na mas mahusay o mas mahina sa iyo.
Ikalugod ang iyong mga tagumpay at saka mga balak.
Manatiling interesado sa iyong hanapbuhay, gaano man kaaba; ito’y tunay na ari-arian sa pabago-bagong kapalaran ng panahon.
Maging maingat sa iyong negosyo; sapagkat ang daigdig ay puno ng panlilinlang. Subalit huwag maging bulag sa kabutihang makikita; maraming nagsisikap na makamit ang mga adhikain; at sa lahat ng dako, ang buhay ay puno ng kabayanihan.
Maging tapat sa sarili. Higit sa lahat, huwag magkunwari.
Huwag ding libakin ang pag-ibig; sapagkat sa harap ng lahat ng kahungkagan at kawalang-pag-asa, ito’y lagi’t laging sumisibol, tulad ng damo.
Tanggapin nang mabuti ang mga payo ng katandaan, buong-giliw na isuko ang mga bagay-bagay ng kabataan.
Pag-ibayuhin ang lakas ng loob at nang mayroon kang pananggalang laban sa biglaang kasawian. Subalit huwag ikaligalig ang mga haka-haka.
Maraming pangamba ang likha ng pagod at pangungulila.
Bagamat kailangan ang sapat na disiplina, maging magiliw sa sarili. Supling ka ng sandaigdigan, tulad din man ng punongkahoy at bituin; may karapatan kang manatili rito.
At malinaw man sa iyo o hindi, walang dudang ang sandaigdigan ay bumubukadkad na tulad ng nararapat.
Kung gayon, pakisamahan ang Panginoon, anuman ang pananaw mo sa kanya, at anuman ang iyong pinagkakaabalahan at minimithi, sa maingay na kalituhan ng buhay, pakisamahan ang iyong kaluluwa.
Sa kabila ng lahat ng pagkukunwari, kabagutan at gumuhong pangarap, maganda pa rin ang daigdig.
Mag-ingat. Sikaping lumigaya.

No comments: